^

PSN Palaro

Atilano kumuha ng tanso sa India

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sinilo ni Sheena Atilano ang bronze medal sa unang yugto ng 2010 Asian Grand Prix na idinaos nitong Hun­yo 1 sa Pune, India.

Ang 30-anyos na si Atilano na kumuha ng dalawang ginto sa katatapos na National Open kasama ang paboritong 100m hurdles, ay nagsumite ng 14.03 segundo tiyempo para mapasok sa medal finish.

Nakauna sa kompetisyon si Anastasiya Suprunova ng Kazakhstans sa 13.36 segundo habang si SEA Games gold medalist Dede Erawati ng Indonesia ang kumuha sa pilak sa 13.64 tiyempo.

Si Henry Dagmil ang isa pang pambato ng Pilipinas sa tatlong yugtong torneo na nagbibigay ng gantimpalang salapi sa mangungunang tatlong atleta sa bawat leg.

Pero hindi umubra si Dagmil dahil ang kanyang naitalang 7.67m lundag ay kinapos para sa bronze na hinawakan ni Yu Zhengwei ng China sa 7.72 m.

vuukle comment

ANASTASIYA SUPRUNOVA

ASIAN GRAND PRIX

ATILANO

DAGMIL

DEDE ERAWATI

KAZAKHSTANS

NATIONAL OPEN

SHEENA ATILANO

SI HENRY DAGMIL

YU ZHENGWEI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with