Pasig, Caloocan sosyo sa liderato sa Coke Hoopla

MANILA, Philippines - Tinalo ng Pasig ang Muntinlupa, 63-60, at binigo naman ng Caloocan ang Makati, 91-79, para pagsaluhan ang liderato sa Final Four ng 2010 Coca-Cola Hoopla sa Rizal High School gym sa Pasig.

Tumipa si Martin Fajardo ng isang perimeter jumper, habang nagsalpak naman ng isang freethrow si Elmer Labis para sa naturang tagumpay ng Pasig sa Muntinlupa.

Nagtumpok ang Pasiguenos, ang East division champion, ng isang 10-point lead sa third period bago nakabangon ang , ang South division winner, sa likod nina ace gunner Kevin Racal, Kevin Buenaflor, Bobby Tesorero at PJ Albo.

Isang 10-1 ratsada naman ang iginanti ng Jeric Baylen upang ibigay sa Pasig ang 40-31 bentahe patungo sa kanilang panalo.

“We have to win our last two games against Makati and Caloocan to enter the finals and avoid complications,” wika ni Pasig coach Edward Medina.

Show comments