Patrombon nagpasiklab sa Roland Garros

MANILA, Philippines - Naiwagayway ni Jeson Patrombon ang bandila ng Pilipinas sa Roland Garros Junior Championships sa Paris France nang manalo ito sa kanyang unang asignatura.

Ang 17-anyos na si Patrom­bon ay nangibabaw sa unseeded ding katunggali na si Miki Jan­kovic ng Serbia, 6-3, 6-1, para masungkit ang unang panalo sa unang pag­lahok sa Grandslam event.

Nagbu­nga ang pagiging agresibo ng 46th ranked Filipino pla­yer upang hindi ma­kaporma si Jankovic na sinuportahan ng kanyang pamilya sa pangunguna nga ng world’s number 6 sa kababaihan sa pros na si Jelena Jankovic.

“Jankovic is a very consistent with his ground strokes and plays with heavy high looping topspin balls which is very effective on clay,” wika ni coach Manny Tecson.

Ngunit hindi umubra ito dahil inatake agad ni Patrombon ang katunggali sa halip na makikipagpalitan lamang ng palo sa baseline.

“The strategy was not to en­gage Jankovic in long rallies from the baseline bacause that is what he likes to do. Instead we have to take the ball early and take the initiative on the rallies, combining it withan attacking net game to put more pressure on him,” paliwanag pa ni Tecson.

Ang panalo ay nangahulu­gan ng karagdagang 30 ITF puntos kay Patrombon sa Grade A tournament na ito upang mapataas pa ang kanyang kasalukuyang rankings.

Higit dito ay nakaabante si Pa­trombon laban sa ninth seed na si Duilio Beretta ng Peru na nakaabante matapos ang 6-7 (5), 6-3, 8-6, tagumpay kay wild card Gregoire Berrere ng France, 6-7(5), 6-3, 8-6.

Sa singles na lamang kumakampanya si Patrombon dahil namahinga na sila ni Ahmed Triki ng Tunisia matapos matalo kina Romain Arneodo at Mathias Bourgue ng France, 4-6, 6-1, (14-12) sa doubles.

Si Francis Casey Alcantara ng Pilipinas na lamang ang bu­hay sa doubles at sila ni Fil-Am Raymond Sarmiento ay mapapalaban kina Filip Horansky at Jozef Kovalik ng Slovak Republic sa unang round.

Show comments