^

PSN Palaro

Gomez, Laylo nagkasundo sa draw

-

TAGAYTAY City , Philippines --Nakipagkasundo sa draw si Dresden Olympiad veteran GM John Paul Gomez kay GM Darwin Laylo upang patuloy na makasalo sa liderato si GM Wesley So matapos ang sixth round ng 2010 Phoenix Petroleum ‘Battle of GMs” national chess championships dito sa Character Hotel.

Nagkasundo sa draw sina Gomez at Laylo matapos ang 16 moves ng Slav defense, ha­bang nanalo naman si So via default kay GM Rogelio An­tonio, Jr.

Hiniling ni Antonio, nagkam­peon sa unang PSC chairman Harry Angping Cup rapid chess championships, na ipagpaliban ang kanilang laro ni So dahil sa masama niyang   pakiramdam.

Subalit hindi naman ito pi­nagbigyan ni National Chess Fe­deration of the Philippines (NCFP) executive/events director Willie Abalos at ibinigay kay So ang panalo.

Tangan pa rin ng second-see­ded na si Antonio ang 4.0 points.

Kailangan naman ng tubong Calapan, Oriental Mindoro na si Gomez na ipanalo ang kanyang huling limang laro upang palakasin ang kanyang tsansa sa pagbulsa sa P200,000 top purse.

Napaganda ni Laylo sa 3.5 points ang kanyang rekord sa nasabing 11-round tournament.

CHARACTER HOTEL

DARWIN LAYLO

DRESDEN OLYMPIAD

GOMEZ

HARRY ANGPING CUP

JOHN PAUL GOMEZ

LAYLO

NATIONAL CHESS FE

ORIENTAL MINDORO

PHOENIX PETROLEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with