^

PSN Palaro

Taguig sadsad sa Cebu

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kumawala sa limang runs ang Cebu sa bottom eight upang maging puhunan sa 7-2 tagumpay sa Taguig sa pagpapatuloy ng Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VI sa Rizal Memorial Baseball Field kahapon.

Bumigay ang mga braso ni Taguig pitcher Darwin Dela Calzada sa inning na ito nang magbigay ng tatlo sa kabuuang apat na base on balls sa laro bu­kod pa sa tatlo sa anim na hits para makahulagpos ang Dolphins buhat sa 2-2 iskor.

Naunang lumamang ang Ta­guig sa third inning sa 2-0 matapos mangapa sa pagpukol si Fil-Am Lorenzo Ubungen.

Dahilan ito upang ipasok ng Dolphins ang beteranong si Joseph Orillana na binokya ang Taguig sa sumunod na apat na innings.

Si Miggy Corcuera naman ang bumasag sa kawalan ng hit ng Cebu kay Dela Calzada sa fifth inning upang trangkuhan ang ginawang dalawang runs para magtabla ang magkabilang koponan.

Ibinalik si Ubungen sa laro sa pagpasok ng seventh inning at nakuha niya ang timing sa pagpukol para hindi na makaiskor ng tuluyan ang kalaban.

Bumigay naman si Dela Cal­zada at ang leadoff walk kay Jonard Pareja ang nagpasiklab sa limang runs ng Dolphins.

Isang perfect bunt ang ginawa ni Fulgencio Rances na na­sundan pa ng isang walk kay Joseph Orillana para sa loaded bases.

Isa pang base on balls kay Florentino Ubungen ang nagpaiskor kay Pareja ng go-ahead run.

Si Corcuera ay bumanat uli ng hit sa centerfield upang ma­kaiskor pa sina Rances at Orillana habang si Ubungen ay naghatid pa ng isang run sa single ni Jonash Ponce.

Si Lorenzo ang tumapos sa iskoring ng Cebu sa isang sacrifice hit laban kay relief pit­cher Fernando Badrina para ma­kumpleto ang limang runs.

“Walang pamalit ang Taguig kay Darwin kaya nang napagod siya ay naka-hit na kami. Kahit kami ay may problema sa pitchers dahil dalawa lamang ang dumating sa larong ito pe­ro maganda ang ipinukol ni Lo­renzo at ni Joseph,” wika ni team manager Isaac Bacarisas na sumalo sa Manila sa liderato sa torneo sa 1-0 karta.

Naunang kumawala ng pa­nalo ang Sharks sa nagdedepensang Batangas, 5-4, nitong Sabado.

 Naging tatlo naman na ang lider sa torneong inorganisa ng Community Sports Inc. nang ma­nalo ang Alabang Tigers sa bagitong Pampanga Sand Kings, 6-2, sa ikalawang laro.

Sinandalan ng Tigers ang li­mang pinagsamang runs sa unang dalawang innings pa­ra mangibabaw sa bagong ko­ponan na nalaglag naman ka­sama ng Bulls at Taguig. 

ALABANG TIGERS

BUMIGAY

CEBU

COMMUNITY SPORTS INC

DARWIN DELA CALZADA

DELA CAL

DELA CALZADA

JOSEPH ORILLANA

SHY

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with