^

PSN Palaro

Cotto payag sa rematch vs Pacquiao

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bukas si Miguel Angel Cotto ng Puerto Rico para sa isang rematch kay Filipino world seven-division champion Manny Pacquiao.

Ito ang inihayag kahapon ng 30-anyos na si Cotto, inagawan ni Pacquiao ng suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown via 12th round TKO noong Nobyembre ng 2009, sa panayam ng B­o­xingSce­ne.com.

“I never really had a problem to reach 147 pounds. Boxing is a business. If we have a better opponent at a lower weight, we can always go back to 147 without a lot of trouble,” ani Cotto.

Nauna nang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ikinukunsidera niya ang pagkuha kay Cotto para kay Pacquiao sakaling muling hindi matuloy ang pinaplantsa niyang megafight ni “Pacman” kay Floyd Mayweather, Jr. sa Nobyembre.

 “With Cotto, I guess that’s a fight that could happen at 154 pounds, but frankly I haven’t discussed it with him,” wika ng 78-anyos na si Arum sa 31-anyos na si Pacquiao. Wala pa ring nakukuhang balita si Arum mula sa kampo ni Mayweather sa kabila ng pagpayag ni Pacquiao na sumailalim sa isang Olympic-style random blood testing 14 araw bago ang kanilang laban.

Nakatakdang hamunin ni Cotto si World Boxing Association (WBA) light middleweight champion Yuri Foreman sa Linggo sa Yankee Stadium sa New York City.

 Samantala, inaasahan naman ni Arum ang pagda­ting ni Pacquiao, naihalal na bagong Congressman ng Sarangani, bukas sa New York para tanggapin ang kanyang ikatlong Fighter of the Year award mula sa Boxing Writers Association of America (BWAA).

Sa Hunyo 4 nakatakda ang nasabing seremonya sa Roovelt Hotel sa New York na dadaluhan rin ni American trainer Freddie Roach, kinilalang Trainer of the Year sa ikaapat na pagkakataon.

BOB ARUM

BOXING WRITERS ASSOCIATION OF AMERICA

COTTO

FIGHTER OF THE YEAR

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

MIGUEL ANGEL COTTO

NEW YORK

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with