Mindanao cagers pasok sa 'MVP ng Bayan' finals
MANILA, Philippines - Dalawang pambato ng Mindanao ang umabante sa finals para sa kauna-unahang “Talk ‘N Text MVP ng Bayan”.
Hangad nina Kim Wesley Asulao ng Davao City at Reuben Jay Baguio ng Sarangani na magkaroon ng pagkakataong maging susunod na basketball superstar mula sa hanay ng mga nag-aambisyon sa buong bansa.
“We are excited to open this door of opportunities to all talented basketball players among the youth, especially the underprivileged. With the immense popularity of basketball in the country, we are confident that we can discover someone with real talent just waiting to be tapped,” ani Perry Bayani, marketing head ng Talk ‘N Text.
Ang paghahanap para sa “MVP ng Bayan” ay dumayo pa sa mga barangay-level basketball leagues na sinusuportahan ng Talk ‘N Text.
Ang lahat ng male Talk ‘N Text subscribers na may edad na 13 hanggang 21-anyos ay maaaring lumahok sa nasabing proyekto katuwang ang Philippine Basketball Association (PBA).
Ang susunod na regional try-out ay nakatakda sa Mayo 29 sa Malolos, Bulacan; Hunyo 5 sa Ortegas Gym sa San Fernando City, La Union; Hunyo 5 sa University of Batangas Gym at sa Hunyo 12 sa Makati Coliseum.
- Latest
- Trending