^

PSN Palaro

Buwenamanong panalo pag-aagawan ng Bulls, Sharks

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Bakbakan sa pagitan ng dalawang koponang nag­tagisan para sa kampeonato sa nagdaang series ang masisilayan sa pagbu­bukas ng Dunkin’ Donut Se­ries VI ngayon sa Rizal Me­morial Baseball Field.

Ganap na ala-1:30 ng hapon magbabangga ang nagdedepensang Batangas Bulls laban sa Manila Sharks sa natatanging laro na hudyat ng pagbabalik ng ligang inorganisa ng Community Sports Inc.

Bago ito ay magsasagawa muna ng opening ce­remonies ganap na alas-12 ng tanghali at ang inim­bitahan para maging panauhing pandangal ay si Ernesto Co, Vice President at General Manager ng Dunkin’ Donut.

Anim na koponan ang magtatagisan sa kompetis­yong ito at ang kukumpleto sa mga kalahok ay ang Cebu Dolphins, Alabang Tigers, Forward Tagiug at bagitong Pampanga Sand Kings.

Single round robin ang magaganap sa eliminas­yon at ang apat na nangu­ngunang koponan ang a­abante sa crossover se­mifinals.

Ang mangungunang dalawang koponan ay may twice-to-beat at ang mananalo sa semis ang maghaharap sa best-of- three finals.

Solido pa rin ang line-up ng Bulls at magbabalik ang mga pambatong manlalaro na nakatulong sa pag­kasungkit sa ikalawang titulo ng koponan tulad nina pitchers Romeo Jasmin at Vladimir Eguia.

Babalik na rin ang da­ting Homerun King na si Virgilio Roxas dahil ang mga kasapi ng national team ay balik aksyon sa torneo.

­Lalakas naman ang Sharks sa pagpukol uli ni national player Charlie Labrador habang ang opensa ay iaasa sa kamay nina Jarus Inobio, Francis Candela at Ryan Malig.

Maliban sa Bulls na kampeon din sa Series II, ang Cebu ay magtatangka rin na makuha ang ikatlong titulo sa Liga kaya’t ito ang isa sa nagdaragdag interes sa kompetisyon.

ALABANG TIGERS

BASEBALL FIELD

BATANGAS BULLS

CEBU DOLPHINS

CHARLIE LABRADOR

COMMUNITY SPORTS INC

DONUT SE

DUNKIN

ERNESTO CO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with