Aparri sumeguro ng bronze sa ASBC boxingfest
ASTANA, Kazakhstan - Makaraan ang dalawang magkasunod na kabiguan, sumuntok naman ng panalo si flyweight Alice Kate Aparri sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships dito.
Tinalo ng pambato ng Baguio City na si Aparri si So Ming-Kyung ng South Korea, 9-1, mula sa kanyang solidong mga kombinasyon at magandang footwork para ibangon ang kampanya ng national women’s team.
Kaagad na kinuha ni Aparri ang 3-0 lamang sa first round patungo sa 7-1 abante laban kay So sa second round.
“Even when I’m not in training, I hit the gym and lift weights. It helps me develop my power. And I needed it today to avenge the losses of Josie (Gabuco) and Nesthy (Petecio),” sabi ng 25-anyos na si Aparri, gold medalist sa nakaraang 25th SEA Games sa Laos.
Susunod na makakatapat ni Aparri sa semifinal round si Boranbaeva ng Kazakhstan.
- Latest
- Trending