^

PSN Palaro

Walang nangyari!

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa pagpayag ni Manny Pacquiao na sumailalim sa Olympic-style random blood testing 14 araw bago ang laban, wala pa ring solidong pahayag si Floyd Mayweather, Jr. kaugnay sa nasabing pinaplantsang megafight.

Ito ang sinabi kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa panayam ng The Swwet Science.com.

“Nothing,” sabi ng 78-anyos na si Arum sa kampo ng 33-anyos na si Mayweather. “Haven’t heard a word. The ball is completely in Mayweather’s court. Every term has been agreed to.”

Ang hatian sa fight pur­se ang sinasabing ma­giging kontensyon ni Mayweather para sa pagpayag na makaharap ang 31-anyos na Filipino world seven-division champion sa Nobyembre 13 na iti­nak­da ni Arum.

Nabasura ang naunang negosasyon sa pagitan ni Arum at ng Team May­weather nang ipilit ng American six-time world titlist na dumaan sila ni Pacquiao, nailuklok bilang Congressman ng Sarangani, sa isang random blood testing.

Samantala, nakatakda namang magtungo si Pacquiao sa United States sa Hunyo 1 upang personal na tanggapin ang kanyang pangatlong Fighter of the Year award mula sa Boxing Writers Association of America (BWAA).

Sa Hunyo 4 naka­iskedyul ang naturang sere­monya sa Roovelt Hotel sa New York na inaasahang dadaluhan rin ni American trainer Freddie Roach na tinanghal namang Trainer of the Year sa ikaapat na pagkakataon.

“After the awarding, manonood si Manny ng laban ni Yuri Foreman at ni Miguel Cotto. Kung sinong manalo dun, puwede rin niyang labanan,” wika ni Jake Joson, ang chief of staff ni Pacquiao, isinugod sa Cardinal Santos General Hospital noong Linggo dahil sa pagsumpong ng kanyang ulcer.

Ang ikatlong Fighter of the Year award ni Pacquiao mula sa BWAA ang nagtabla sa kanya kina Muhammad Ali at Evander Holyfield.

BOB ARUM

BOXING WRITERS ASSOCIATION OF AMERICA

CARDINAL SANTOS GENERAL HOSPITAL

EVANDER HOLYFIELD

FIGHTER OF THE YEAR

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JAKE JOSON

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with