Barako silat sa Air21

MANILA, Philippines - Una at huling pumasok sa press room si Air21 head coach Yeng Guiao para sa isang post-game interview noong Marso 28 kung saan nila tinalo ang Barako Coffee, 113-108.

“It’s a nice championship match but we really cannot celebrate this win because we needed a 31-ponit lead and their import to foul out before we can win it by one point,” ani Guiao sa 99-98 pagtakas ng Express sa bumubulusok na Coffee Masters sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Ara­neta Coliseum.

Iniangat ng Air21 ang kanilang kartada sa 2-10 ka­pareho ang Barako Coff­ee sa ilalim ng nagde­depensang San Miguel (10-1), Talk ‘N Text (9-2), Barangay Ginebra (7-4), Derby Ace (7-4), Alaska (6-5), Rain or Shine (5-5), Sta. Lucia (4-7) at Coca-Cola (4-8).

Kinuha ng Express ang 28-15 lamang sa first period hanggang itumpok ang isang 31-point advantage, 52-21, sa 4:35 ng second quarter bilang bahagi ng isang 14-0 atake kontra Coffee Masters.

Ngunit hindi rito natatapos ang laban.

Sa likod nina import Sam­my Monroe, Reed Jun­tilla, Leo Najorda at Rob Wainwright, kumayod ang Barako Coffee, nasa isang four-game losing skid ngayon, ng isang 25-8 ratsada upang ilapit ang laro sa 46-60 sa 8:24 ng third quarter bago agawin ang unahan sa 74-72 sa huling 40.6 segundo nito.

Humugot naman si Ronnie Matias ng pito sa kanyang 12 puntos sa final canto, habang nagdagdag si Ronjay Buenafe ng dalawang three-point shots, ang huli ay sa 97-94 abante ng Air21 sa huling 1:57.

Nawala sa laro si Monroe sa 8:11 ng fourth quarter kung saan nakadikit ang Photokina franchise sa 80-81 agwat. 

Matapos ang mintis na jumper ni Matias, isang four-point play naman ang nakumpleto ni Juntilla, nag­lista ng career-high 29 puntos, para ibigay sa Coffee Masters ang 98-97 bentahe sa 53.3 segundo ng laro kasunod ang jumper ni Wynne Arboleda para sa 99-98 lamang ng Express, 44.9 segundo rito.  

Air21 99 - Sharma 16, Larry 15, Matias 12, Bue­nafe 11, Ritualo 11, Cortez 9, Belga 9, Yee 4, Arboleda 4, Billones 3, Rodriguez 2, Kramer 2, Alvarez 2.

Barako Coffee 98 - Juntilla 29, Najorda 18, Monroe 15, Duncil 12, Wainwright 10, Alonzo 4, Isip 4, Dimaunahan 4, Hubalde 2, Gaco 0, Vergara 0, Reyes 0.

Quarterscores: 28-15, 58-34, 74-74, 99-98. 

Show comments