Buwenamano kina Alcantara, Patrombon

MANILA, Philippines - Nag­pasiklab sina Je­son Patrombon at Francis Casey Alcantara nang magsipanalo sa unang laro sa pagsisimula ng 46th Astrid Bowl Charleroi, Belgium International Junior Championships sa Belgium.

Bumangon si Patrombon buhat sa unang set na kabiguan tungo sa 4-6, 6-4, 6-2, panalo laban kay Darian King ng Bardados habang mas madaling 6-1, 6-1, panalo ang iniukit ni Alcantara laban kay Belgian lucky loser Robin Cambier.

Tiyak namang dadaan sa butas ng karayom ang dalawang Pinoy sa ika­lawang round dahil ma­kakabangga nila ang mga seeded players na kung saan si Patrombon ay ma­kakasukatan ang number two seed na si Mate Zsiga ng Hungary habang ang top seed na si Jason Kubler ng Australia ang kalaban ni Alcantara.

 Lumahok din si Patrombon sa doubles katuwang si Mitchelle Krueger ng USA pero namaalam agad sila sa nalasap na 7-5, 3-6 (10-12) sa kamay nina Diego Acosta ng Ecua­dor at Facundo Mena ng Argentina.

Show comments