Smart Gilas kumain ng alikabok sa Qatar team

DOHA, Qatar--Kaagad na nakatikim ang Smart Gilas Pilipinas ng kabiguan nang yumukod sa Al Rayyan ng Qatar, 58-86, sa pagsisimula ng 21st FIBA-Asia Champions Cup dito sa Al Gharafa Sports Club noong Linggo.

Hindi nakayanan ng Smart Gilas ang ipinaradang dalawang Americans imports at ilang naturalized Africans ng Al Rayyan sa naturang 10-day, import-laced meet.

“They (Qatar) played very aggressive and we missed a lot of opportunities in the second half,” sabi ni RP coach Rajko Toroman sa post-game interview.

Nagtala ang Nationals ng malamyang 15-of-35 fieldgoals sa first half at kabuuang 2-of-31 sa three-point range, habang nagtala naman ang mga Qataris ng 20-of-29 freethrows.

“I must admit I was a little bit scared of this Philippine team because I know that Philippine players are gifted individually and very skilled,” ani Al Rayyan American mentor Carl Nash.

Kailangang ipanalo ng Smart Gilas ang kani­lang laro sa Astana Tigers ng Kazakhstan upang makasikwat ng isang quarterfinal ticket.

Nanggaling ang mga Kazakhs sa isang 75-68 panalo sa Duhok ng Iraq para sa kanilang 1-1 marka.

Show comments