^

PSN Palaro

Lady Tigresses nakauna; Roces nakopo ang MVP Plum

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isinantabi ng UST ang injury na tinamo ni Angeli Tabaquero nang kakitaan ng init ng paglalaro sina Mary Jean Balse, Aiza Maizo at Maika Ortiz upang tu­lungan ang koponan sa 25-21, 22-25, 25-20, 25-15, panalo sa Game One ng Shakey’s V-League Season 7 Finals kagabi sa The Arena sa San Juan.

May 16 hits kasama ang 11 kills ang dating national player na si Balse habang nakakuha rin siya ng suporta kina Maiza at Ortiz upang maisantabi ang hamong hatid ng Lady Stags pa­ra lumapit ang Lady Tigres­ses sa asam na ikatlong sunod na titulo at pang-anim na kampeo­nato sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza at handog ng PLDT myDSL.

Si Tabaquero ay inilabas nang ma-injured matapos magpakawala ng spike at hindi pa tiyak kung makakalaro siya sa Game Two.

 “Masakit ang pagkawala ni Angeli pero malalim ang bench namin at marami kaming players na puwedeng mag-step up. Pero mami-miss namin ang kanyang leadership,” wika ni assistant coach Vilet Ponce de Leon.

Matapos magtabla sa unang dalawang sets, ay nakitaan ng tibay ng paglalaro ang Lady Tigresses mula sa kanilang opensa at depensa para makahulagpos sa tagumpay.

Kumawala naman sa 38 hits si Thai import Sontaya Keawbuntid upang mangibabaw ang Ateneo sa Lyceum sa limang sets, 19-25, 25-15, 25-21,20-25, 15-10, para makauna sa kanilang best-of-three series para sa ikatlong puwesto.

Samantala, apat na manlalaro ng San Sebastian sa pangunguna ni Suzanne Roces ang kinilala sa kanilang husay sa paglalaro sa liga.

Si Roces nga ang hinirang bilang Most Valuable Player ng Conference matapos igiya ang Lady Stags sa kanilang ikaanim na pagpasok sa Finals. Siya ay panglima sa scoring sa 130 puntos total, numero uno sa spike sa 46.48 percent success rate, pangsiyam sa block sa 0.48 average by set at pangalawa sa service sa 98 hits sa 117 attempt para sa 0.59 average per set.

 Ang Thai import na si Bualee ang lumabas bilang Best Scorer, si Jennelyn Belen ang Best Setter, at Analyn Joy Benito bilang Most Improved Player.

Ang Lyceum ay may tatlong player na kinilala na sina Nasella Nica Guliman bilang Best Blocker, Nicollete Tabafunda bilang Best Server at Thai import Porntip Santrong bilang Best Receiver. Si Maizo na naisuko ang MVP title, ang lumabas bilang Best Attacker at si Lizlee Ann Gata ng Adamson bilang Best Digger.  

AIZA MAIZO

ANALYN JOY BENITO

ANG LYCEUM

ANG THAI

ANGELI TABAQUERO

BEST

BEST ATTACKER

BILANG

LADY STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with