Alcantara-Morrissey tandem 'di umabot sa finals ng Italian Open

MANILA, Philippines - Natapos ang kampanya nina Filipino netter Francis Casey Al­cantara at James Morrissey ng Ireland nang matalo sila sa fourth seeds na sina Peter Heller at Kevin Krawietz ng Germany sa semifinals ng 51st Trofeo Bonfiglio sa Milan, Italy.

Lumabas ang mas malawak na karanasan nina Heller at Kra­wietz na siya ngayong may pinakamataas na seedings na naglalaro sa boy’s doubles upang ikasa ang 6-4, 6-2, panalo laban sa unseeded na sina Al­cantara at Morrissey.

Ang kabiguan ay tumapos sa hangaring ikalawang sunod na titulo sa boy’s doubles ni Al­cantara bagamat inaasahang magkakaroon ito ng mahalagang ITF puntos na magpapataas uli sa kanyang kasaluku­yang rankings.

Sa ngayon, si Alcantara, na nagkampeon sa Mitsubishi Lancer International Tennis Cham­pionships nitong Marso katuwang si Fil-Am Raymond Sarmiento, ay nalalagay sa ika-53rd puwesto sa ITF rankings.

Kalaban naman nina Heller at Krawietz ang fifth seeds na sina Duilio Beretta ng Peru at Roberto Quiroz ng Ecuador na humirit ng 6-4, 7-6(6) tagumpay kontra kina Richard Muzaev ng Russia at Dennis Nivikov ng USA.

Sunod namang sasalihan ni Alcantara ay ang French Open at makakasama niyang ka­kampanya sa torneo si Jeson Patrombon na napatalsik sa se­cond round sa singles at dou­bles events.

Show comments