Ngayon ang deadline para sa Looney Tunes Fun Run

MANILA, Philippines - Ito na ang huling araw ng pagpapatala para sa Looney Tunes Active Fun Run 2010 kung saan inaasahang aabot sa 1,000 ang bilang ng mga batang may edad na 4 hanggang 12-anyos ang la­lahok sa 3-kilometer run exclusive.

Ang pagpapalista ay magaganap sa Timex SM Megamall at ang entry fee ay P350. Ang assembly time ay sa ganap na alas-6:30 ng umaga, habang sa alas-7 naman nakatakda ang karerang inihahandog ng Purefoods TJ Hotdog.

Para sa iba pang detalye, maaaring mag-log on sa www.loo­neytunesactive.com.

Show comments