^

PSN Palaro

Unso kinapos kay Bautista

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Minalas si Patrick Un­so na magkaroon ng mahinang simula upang mabigo sa hangaring record sa 110m hurdles sa junior boys division sa pagsisimula ng 2010 Milo National Open Track and Field Championship kahapon sa Rizal Memorial Oval sa Malate Manila.

Kumaripas ng takbo ang 17-anyos na si Unso sa pagsapit ng ikapitong bar upang maabutan ang nanguna na si Gringo Bautista bago tu­luyang inagwatan sa meta.

Naorasan si Unso, ang nagdedepensang kampeon ng torneo at nanalo rin sa event na ito sa Palarong Pambansa sa Tarlac ng 14.76 segundo na kinapos ng 12 milliseconds para mapantayan ang marka na 14.68 seconds.

Si Bautista ay naora­san ng 15.11 habang si Dharl Pitogo ang puma­ngatlo sa 15.15.

 “Lumubog ako sa start dahil ayaw kong ma-disqualify dahil sa false start. Kaya kinailangan kong maghabol at masaya naman ako at nanalo ako” wika ni Unso na pupuntir­yahin ang ikalawang ginto sa high jump

Si national athlete Narcisa Atienza ay nangibabaw naman sa women’s high jump sa 1.70m marka upang mapanatili rin ang kanyang pangunguna sa nasabing event.

Isa pang balik kam­peon ay si Riezel Buena­ventura ng FEU na pina­ngunahan uli ang paboritong women’s pole vault sa personal best na 3.63 meters.

Tinalo ni Buenaventura ang mga pambato ng Chinese Taipei na sina Kuan Mei-lien (3.40m) at Lin Wan-chen (3.30m).

Ang natatanging manlalaro ng US na sumali sa tatlong araw na torneo na suportado ng Milo at PSC na si Ashley Jones ay kuminang din sa 800m run sa naitalang 2:18.82.

Milya ang inilayo niya sa nakalabang si Merry Binti Gabali ng Sandakan Malaysia na may 2:27:96 tiyempo para sa pangalawang puwesto.

ASHLEY JONES

CHINESE TAIPEI

DHARL PITOGO

GRINGO BAUTISTA

KUAN MEI

LIN WAN

MALATE MANILA

MERRY BINTI GABALI

SHY

UNSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with