^

PSN Palaro

Reyes, Parica nakabangon sa US Open 10-Ball Championships

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos makalasap ng kabiguan, bumangon sina cue masters Efren “Ba­ta” Reyes at Jose “Amang” Parica sa loser’s brackets para mapanati­ling buhay ang kanilang mga tsansa sa 2010 US Open 10-ball championship sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas Nevada, USA.

Tinalo ni Reyes si Ame­rican James Baraks, 9-5, habang binigo naman ni Parica ang kababayan nitong si Beau Runningen, 9-7, sa true double elimination, winner’s break format.

Ang torneo ay naglalatag ng kabuuang US$ 89,000 prize purse kung saan ang US$20,000 ay makukuha ng magka­kam­peon at US$12,500, US$8,500 at US$ 5,700 ang matatanggap ng se­cond hanggang fourth-pla­cer, ayon sa pagkakasu­nod.

Natalo kamakalawa si Reyes kay Roberto “Pinoy Superman” Gomez, 6-9, sa second round ng winner’s bracket, samantalang yumukod naman si Parica via default kay Sa­rah Rousey ng USA sa opening round.

Sa third round sa winner's bracket, makakatagpo ni Gomez si Jason Klatt, habang makakaha­rap ni Francisco "Django" Bustamante si Edwin Mon­­tal at makakatapat ni Dennis Orcullo si Stan Tourangeau.

Makakalaban naman ni world 8-ball at 9-ball champion Ronnie "The Volcano" Alcano si Tho­mas Engert; makakaduwelo ni Lee Vann Corteza si Francis Crevier; sasagupain ni Warren Kiamco si Ralf Souquet at makakaengkuwentro ni Al Lape­na si Mike Dechaine.

AL LAPE

BEAU RUNNINGEN

DENNIS ORCULLO

EDWIN MON

FRANCIS CREVIER

GOMEZ

JAMES BARAKS

JASON KLATT

LAS VEGAS NEVADA

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with