^

PSN Palaro

Mayol-Nino rematch ikinasa sa June 16

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magtutuos sa ikalawang su­nod na pagkakataon sina Filipino WBC light flyweight cham­pion Rodel Mayol at Mexican challenger Omar Nino.

Ang laban ay ipinag-utos ng World Boxing Council matapos mauwi sa no contest ang unang tagisan na nangyari ni­tong Peb­rero sa Guadalajara, Mexico.

Itinigil ang laban sa third round ni referee Vic Drakulich nang matumba si Mayol mula sa illegal punch na pinakawalan ni Nino.

Ang rematch ay itinakda sa Hunyo 16 sa Queretaro, Mexico na tiyak na magbibigay pabor uli kay Nino.

Ngunit makaaasang handa sa laban si Mayol dahil bihasa na ito sa pagdayo sa ibang bansa para makakuha ng laban.          

May 32 laban na si Mayol at 26 rito ay kanyang naipanalo kasama ang 20 KO at ang ma­ga­ganap na laban ay ikalima na sa career ng 28-anyos tubong Mandaue, Cebu.

May dalawang panalo, isang talo at isang no contest na resul­ta si Mayol sa kanyang apat na naunang laban sa Mexico. 

Unang tinalo ni Mayol ay si Lorenzo Trejo gamit ang fourth round TKO noong Enero 28, 2006 sa Cancun, Mexico at ang ikalawang Mexicanong pinataob sa kanyang bansa ay si Edgar Sosa nitong Nobyembre 21, 2009 sa Chiapas, Mexico.

Mas matinding second round TKO ang itinala ni Mayol kay Sosa upang maagaw din ang hawak nitong WBC title.

May 28 panalo sa 34 laban kasama ang 11KO, si Nino ay hinirang na kampeon ng dibisyon matapos talunin si Fil-Am Brian Viloria noong Agosto 10, 2006. 

EDGAR SOSA

FIL-AM BRIAN VILORIA

LABAN

LORENZO TREJO

MAYOL

NINO

OMAR NINO

RODEL MAYOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with