^

PSN Palaro

Tigers pinigil ng Aces

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Tumipa si Cyrus Ba­guio ng 19 puntos sa first pe­riod mula sa kan­yang perpektong 9-of-9 fieldgoal shooting.

Mula rito, dumiretso ang Alaska sa kanilang pa­ngalawang sunod na arangkada matapos igupo ang minamalas na Coca-Cola, 108-98, sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conferen­ce kahapon sa Big Dome.

Tumapos si Baguio na may conference-high 28 puntos, tampok ang 15-of-19 fieldgoals, 5 rebounds, 5 assists at 3 steals upang pangunahan ang Aces kasunod ang 18 ni import Diamon Simpson at tig-13 nina Joe Devance at LA Tenorio.

Nalasap ng Tigers ang kanilang pang anim na dikit na kamalasan sa ka­bila ng game-high 35 produksyon ni reinforcement Rashad Bell kung saan 18 rito ay kanyang hinugot sa first half.

Ang kamada ni Baguio sa first quarter ang nagbigay sa Alaska, may 6-4 baraha ngayon katabla ang Barangay Ginebra sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel (9-1), Talk ‘N Text (7-2) at Derby Ace (6-3) kasunod ang Rain or Shine (4-5), Sta. Lucia (4-6), Coke (4-7), Barako Coffee (2-8) at Air21 (1-9), ng 28-21 abante patungo sa kanilang 10-point lead, 33-23, sa 9:53 ng second period buhat sa three-point shot ni Larry Fonacier.

Sa likod ng isang four-point play at 3-pointer ni Bell, naagaw ng Tigers ang unahan sa 58-52 sa 9:30 ng third quarter kung saan nila ginamit ang full court press.

Isang 11-0 bomba ang inihulog ng Aces galing kina Simpson, Fonacier at Reynel Hugnatan para sa kanilang 77-67 bentahe sa 1:47 ng third canto.

 Samantala, inunahan naman ng Tigers ang Aces sa pagbibigay ng parangal kay Jeffrey Cariaso matapos iretiro ang jersey number ng 37-anyos na si “The Jet”.

 Alaska 108 - Baguio 28, Simpson 18, De Vance 13, Tenorio 13, Hugnatan 9, Dela Cruz 8, Borboran 7, Fonacier 6, Thoss 4, Eman 2.

Coke 98 - Bell 35, David 23, Macapagal 16, Taulava 10, Espino 6, Ross 4, Bono 2, Calimag 2, Allera 0.

Quarterscores: 28-21, 50-45, 82-74, 108-98.

vuukle comment

BARAKO COFFEE

BARANGAY GINEBRA

BIG DOME

CYRUS BA

DE VANCE

DELA CRUZ

DERBY ACE

DIAMON SIMPSON

FIESTA CONFEREN

FONACIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with