Texters aasinta ng panalo sa Llamados
MANILA, Philippines - Sa pagkakadagdag kina Kelly Williams at Ryan Reyes, itinuturing na ni Derby Ace head coach Ryan Gregorio ang Talk ‘N Text bilang ‘super power’ sa kasalukuyang 2009-2010 PBA Fiesta Conference.
“Historically, Talk ’N Text is a major power in the league,” ani Gregorio. “Now add Kelly and Ryan without loosing any major player, they have become a superpower that no PBA team can match in terms of roster strength.”
Kasabay ng pagbandera kina Williams at Reyes, tinalo ng Tropang Texters ang bumubulusok na Coca-Cola Tigers, 103-93, noong Biyernes.
Puntirya ang kanilang pang pitong sunod na arangkada, sasagupain ng Talk ‘N text ang derby Ace ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Alaska at Coke sa alas-5 ng hapon sa Araneta Coliseum.
Kasalukuyang tangan ng nagdedepensang San Miguel Beermen ang liderato mula sa kanilang 9-1 rekord kasunod ang Tropang Texters (7-2), Llamados (6-3), Ginebra Gin Kings (6-4), Aces (5-4), Rain or Shine Elasto Painters (4-5), Tigers (4-6), Sta. Lucia Realtors (4-6), Barako Coffee Masters (2-8) at minamalas na Air21 Express (1-9).
- Latest
- Trending