^

PSN Palaro

3 foreign team lalahok sa Na­tional Open

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tatlong banyagang koponan ang mga nagkumpirma ng ka­nilang paglahok sa 2010 Milo Na­tional Open Track and Field Champonships na magsisimula sa Mayo 21 hanggang 23 sa Rizal Memorial Track Oval.

Ang mga manlalaro ng Chinese Taipei, Korea at Sabah, Ma­laysia ang mga nagpasabi na sa organizers na Philippine Amateur Track and Field Asso­ciation (PATAFA) ng kanilang paglahok upang madagdagan ang kinang ng tatlong araw na torneo na suportado ng Milo at Philippine Sports Commission (PSC).

Natuwa si PATAFA president Go Teng Kok sa paglahok ng mga dayuhan dahil hindi na nga nag-imbita ang kanyang aso­sasyon ng mga banyagang kalahok para sa edisyong ito.

“Welcome namin ang mga foreign athletes na gustong sumali dahil mas tataas ang level ng competition at talagang masusubok ang mga local players natin,” wika ni Go.

Mga pole vaulters ang isasali ng Chinese Taipei at Korea ha­bang mga junior athletes ang balak na ipadala ng Sabah sa kompetisyong naglalayong tu­muklas ng mga bata na may po­tensyal upang mapabilang sa national pool ng asosasyon.

Inaasahang hindi naman bababa sa 20 local teams, kasama ang mga malalakas na koponan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na makikiisa sa kompetisyon.

Ang opening ceremony ay gagawin sa Biyernes ng umaga at ang inimbitahan upang ma­ging panauhing pandangal ay si Philippine Olympic Commit­tee (POC) president Jose Cojuangco Jr.    

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHINESE TAIPEI

GO TENG KOK

JOSE COJUANGCO JR.

MILO NA

OPEN TRACK AND FIELD CHAMPONSHIPS

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with