^

PSN Palaro

Air21 sumadsad sa Derby Ace

-

MANILA, Philippines - Nakahugot ng game-high 26 puntos kay import Cliff Brown, tinalo ng Derby Ace ang minamalas na Air21, 83-71, para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa 2009-2010 PBAFiesta Conference kahapon sa Panabo City, Davao del Norte.

Nalasap ng Express ang kanilang pang walong dikit na kamalasan.

Patuloy na hinahawakan ng nagdedepensang San Miguel ang liderato mula sa kanilang 8-1 rekord kasunod ang Talk ‘N Text (8-2), Derby Ace (5-3), Barangay Ginebra (5-4), Alaska (5-4), Rain or Shine (4-5), Sta. Lucia (4-5), Coca-Cola (4-6), Barako Coffee (2-7) at Air21 (1-8).

Samantala, pupuntiryahin naman ng Beermen ang kanilang pang walong dikit na panalo sa pakikipag­harap sa Coffee Masters ngayong alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Nakatakda namang magbanggaan ang Gin Kings at ang Realtors sa alas-4 ng hapon.

“We finished on top in the first round but pero mukhang mahihirapan na kami sa second round. Nagsisimula ng mag-pick up ng rhythm ang mga kalaban,” ani San Miguel coach Siot Tanquingcen.

Huling naging biktima ng Beermen ang Realtors, 93-74, noong Mayo 7.

B-Meg Derby Ace 83--Brown 26, Yap J. 10, Pingris 9, Yap R. 9, Maierhofer 8, Canaleta 7, Artadi 6, Reavis 4, Simon 4, Allado 0, Adducul 0, Salvador 0.

Air21 71--Larry 16, Matias 12, Cortez 8, Begla 7, Sharma 7, Alvarez 5, Bil­lones 5, Yee 4, Buenafe 3, Kramer 2, Ritualo 2, Gonsalez 0, Rodriguez 0.

     QS: 19-15; 44-32; 69-47; 83-71.

ARANETA COLISEUM

B-MEG DERBY ACE

BARAKO COFFEE

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

CLIFF BROWN

COFFEE MASTERS

DERBY ACE

GIN KINGS

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with