MANILA, Philippines - Pinalakas ni top seed Tamitha Nguyen ang kanyang pag-asa para sa ikalawang sunod na korona matapos talunin si Anne Castillo, 6-1, 6-2, patungo sa semifinal round ng girls’ 18-under division ng Okada-Juntaphil Cup kahapon sa Manila Polo Club.
Makakasagupa ni Nguyen, nagreyna sa nakaraang First Gen Championship noong nakaraang linggo, sa semis si Nicole Eugenio.
Ginitla ng unranked na si Eugenio, binigo si third seed Liz Magaway sa first round, 2-6, 6-4 (10-4), si Treena Gutierrez, 2-6, 7-6, 6-2, sa Group 3 tournament na inihahandog ng Okada Resorts at First Gen Corp. at suportado ng Smart Communications.
Iginupo naman ni No. 2 Jasmine Ho si Jamielyn Tafalla, 6-0, 6-2, upang itakda ang kanilang semis showdown ni fourth seed Maika Tanpoco na tuma lo kay Aziel Manantan, 6-0, 6-0.
Umabante rin sa semis si top seed Alberto Villamor sa boys’ 18-under nang payukurin si No. 8 Kim Senga, 6-1, 6-0.