^

PSN Palaro

PBL, Liga Rookie Draft

-

MANILA, Philippines -  Matapos ang Rookie Camp, ang Rookie Draft naman ang isasagawa ngayon ng Philippine Basketball League (PBL) at Liga Pilipinas sa Philippine Olympic Committee (POC) office sa Philsports, Pasig City.

Sinabi ni Butch Antonio ng Liga Pilipinas na ang draft order na lamang ng mga koponan ang idedetermina sa ganap na alas-10 ng umaga.

“It will work, I believe,” wika ni Antonio, hinihintay pa ang paglahok ng ilang tropa mula sa Mindanao.

Kabilang sa mga koponang nagpadala ng kinatawan sa Rookie Camp na idinaos sa Meralco Gym sa Pasig City ay ang Laguna, Cebu at Pampanga mula sa Liga at Pharex, Cobra at Agri Nurture, Inc. buhat sa PBL.

Inaasahan ring sasali sa proyekto ng PBL at Liga Pilipinas ang Magnolia ng San Miguel Corporation.

Inaasahang dadaluhan nina SBP Executive Director at Liga Pilipinas president Noli Eala, PBL chairman Ding Camua, PBL Deputy Commissioner Tommy Ong at mga team owners at kinatawan ng mga koponan ang Rookie Draft.

Hindi naman makakasali ang Excelroof ni coach Ato Agustin, nagkampeon sa nakaraang PBL tournament noong Marso, bunga ng paglalaro ng mga players nito sa darating na 2010 NCAA season.

Ang ilang inaasahang mahuhugot sa Rookie Draft ay sina 6-foot-8 Darryl Tucker, Sean Anthony, Jay Kevin Gray. Mark Andrew Bull at Robert Simpson.

AGRI NURTURE

ATO AGUSTIN

BUTCH ANTONIO

DARRYL TUCKER

DEPUTY COMMISSIONER TOMMY ONG

DING CAMUA

EXECUTIVE DIRECTOR

LIGA PILIPINAS

PASIG CITY

ROOKIE CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with