^

PSN Palaro

Williams nagpasikat sa panalo ng TNT

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nang isalpak niya ang kanyang unang basket bilang isang Tropang Texter sa 3:05 ng first period, alam ni Kelly Williams na hindi na ang uniporme ng mga Realtors ang kanyang isusuot sa bawat la­­ro.

Nakakuha ng 13 puntos, 4 rebounds, 1 assist at 1 steal sa bagong hugot na si Williams, tinalo ng mainit na Talk ‘N Text ang bumubulusok na Coca-Cola, 103-93, para sa ka­nilang pang anim na sunod na arangkada sa classification phase ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.

“It feels good wearing a new jersey and it feels good to be able to get a win,” sabi ng 2008 PBA Most Valuable Player na si Williams, nanggaling sa Sta. Lucia kasama si Reyes via three-team, nine-player trade noong Miyerkules ng gabi.

Itinaas ng Tropang Texters ang kanilang baraha sa 8-2 sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel Beermen (8-1) kasunod ang Derby Ace (5-3), Ginebra (5-4), Alaska Aces (4-4), Rain or Shine (4-4), Sta. Lu­cia (4-5), Tigers (4-6), Barako Coffee (2-7) at Air21 (1-8).

Maski ang pagbandera sa scorer na si Rashad Bell kapalit ni James Penny ay hindi nakapigil sa pang limang dikit na kamalasan ng Coke ni Bo Perasol.

 Matapos ang unang puntos ni Williams mula sa pasa ni Jason Castro sa 3:05, itinala ng Talk ‘N Text ang isang 12-point lead, 24-12, sa first period patungo sa kanilang 94-84 bentahe sa 5:09 ng fourth quarter.

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BARAKO COFFEE

BO PERASOL

DERBY ACE

FIESTA CONFERENCE

JAMES PENNY

JASON CASTRO

KELLY WILLIAMS

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with