MANILA, Philippines - Mula sa katawagan bilang “Pacman”, tawagin n’yo na lamang si Manny Pacquiao bilang “Fighting Congressman of the Philippines.”
Inaasahang gagamitin ito ni ring announcer Michael Buffer kung sinuman ang makakalaban ng Filipino world seven-division champion sa Nobyembre na itinakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions bilang buwan ng pag-akyat ni Pacquiao sa boxing ring matapos talunin si Joshua Clottey ng Ghana noong Marso 14.
“Gusto kong mabigyan ng pagkukunan ng hanap buhay ang mga farmer, fishermen,” ani Pacquiao sa kanyang unang gagawin bilang kinatawan ng Sarangani province sa Kongreso.
Isang one-sided victory ang kinuha ng 31-anyos na si Pacquiao mula sa nakolektang 120,052 votes kumpara sa halos 70,000 votes ng 61-anyos na si Roy Chiongbian.
Si Pacquiao ang unang kandidato na nagpatalsik sa isang Chiongbian sa Sarangani bukod pa ang pinakahuling sportsman na nakakuha ng Congressional seat.
Ang iba pa ay sina PBA coach Yeng Guiao (vice governor, Pampanga), dating San Miguel Beer/Countryfair guard Rosalio “Yoyong” Martirez (vice mayor, Pasig), PBA Hall of Famer at dating MVP Atoy Co (councilor, first district ng Pasig), PBA 25 Greatest Player member at NCAA/PBL champion coach Ato Agustin (councilor, first district ng San Fernando, Pampanga), dating Tanduay/Sta. Lucia guard at ngayon ay isang sports analyst Jason Webb (councilor, first district ng Parañaque), dating Rookie of the Year Gerry Esplana (councilor, first district ng Valenzuela City) at dating La Salle forward Francis Zamora (vice mayor, San Juan. (RUSSELL CADAYONA)
Kagaya niya, bibigyan rin ni Pacquiao ng pagpapahagala ang mga Filipino athletes.
“Gagawa ako ng batas para mabigyan ng ikabubuhay ang mga atleta natin na nagbigay ng karangalan sa ating bansa,” sabi ni Pacquiao.