Si Arum na ang bahala: Inutusan ni Pacman na maselyuhan ang laban kay Mayweather
MANILA, Philippines - Hindi na kailangang abalahin pa ni Bob Arum si Manny Pacquiao kung negosasyon para sa kinasasabikang laban kontra kay Floyd Mayweather Jr. ang pag-uusapan.
Ayon kay Arum ng Top Rank, malinaw sa kanya ang kautusan ni Pacquiao na piliting maselyuhan ang laban nila ni Mayweather kaya’t ito ang kanyang gagawin sa abot ng kanyang makakaya.
At dahil uupo na si Pacquiao bilang bagong Kongresista ng Sarangani sa Hulyo 1 ay si Arum na ang magtatrabaho at hindi na kailangan pang papuntahin si Pacquiao sa US upang maisagawa ang negosasyon.
“My guy is too busy with his Congressional duties to do that. That’s why he has to delegate these things. The answer is he couldn’t do it. He doesn’t have the time to do it. But he does have time to train and perform his best for a fight,” wika ni Arum sa Fightnews.com.
Sa halip na abalahin sa negosasyon ay mas makakabuti kay Pacquiao ang ituon muna ang sarili sa pagtulong sa mga nasasakupan na siya niyang ipinangako ng siya ay kumakampanya pa.
“To sit and spend time negotiation a fight is not something that’s productive,” paliwanag pa nito.
Pormal nang kinilala si Pacquiao bilang bagong Kongresista nitong Huwebes ng gabi matapos ang halos triple na bilang ng botong nakuha laban sa nakalabang si Roy Chiongbian.
Mismong si Chiongbian ay umamin na natalo siya sa eleksyon at ipinaabot na rin ang pagbati kay Pacquiao.
Hindi sinabi ni Arum kung kailan niya balak simulan ang negosasyon bagkus ay sinabi lamang na hihimukin ang kabilang kampo na ilihim ang mga mapag-uusapan upang hindi madiskaril ang mapagkakasunduan.
“I don’t want to discuss any of the issues involved in making that fight because we are going to be involved in negotiations and my first goal and Manny’s first goal is to make that fight happen. But we are not going to negotiate this thing in the press, because given the egos of all the camps, it would never happen,” dagdag pa ng beteranong promoter.
Ang laban pahayag pa ni Arum ay maaaring gawin sa Nobyembre 13 sa alinmang lugar na MGM Grand Arena sa Las Vegas o sa Cowboy’s Stadium sa Texas.
Samantala, kung hindi talaga matutuloy ang laban ni Pacquiao kay Mayweather, ang Briton fighter na si Amir Khan rin ang maaaring ilaban ni American trainer Freddie Roach kay American Floyd Mayweather, Jr.
Nakatakdang idepensa ni Khan ang kanyang suot na World Boxing Association (WBO) light welterweight belt laban kay Paulie Malignaggi bukas sa Madison Square Garden sa New York.
- Latest
- Trending