MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy nina unranked Jacob Martin at Frances Santiago ang kanilang arangkada nang talunin sina top seed Marraphael Teng at fifth ranked Jose Gabriel Tiamson, ayon sa pagkakasunod, sa 10-unisex division ng Okada-Juntaphil Cup kahapon sa Manila Polo Club.
Binigo ni Martin, nauna nang tinalo si No. 8 Rafa Villanueva, si Teng, 1-6, 6-2, 6-1, habang sinibak ni Santiago si No. 5 Joseph Gabriel Tiamson, 6-3, 6-1, upang itakda ang kanilang semifinals duel.
Bago talunin si Tiamson, ginitla muna ni Santiago si No. 4 Chloemae Saraza, 6-3, 6-3, sa Last 16 stage ng Group 3 tournament na inihahandog ng Okada Resorts at ng First Gen Corp. katulong ang Smart Communications.
Umiskor naman si Camille So ng isang walkover win kay No. 1 Maia Balce para umabante sa quarterfinal round ng girls’ 14-under class sa netfest na inorgansia ng Juntaphil at suportado ng Pet One, RCBC, Sole Footbeds, Pepsi/Tropicana at Accel
Makakatagpo ni So si Ana Atangan, binigo naman si Ma. Dominique Ong, 7-6(2), 6-2.