9-player trade natuloy na, Williams sa TNT

MANILA, Philippines - Imbes na selebras­yon, bumaha ng luha sa locker room ng Sta. Lucia ilang minuto matapos ni­lang talunin ang Alaska, 91-87, noong Miyerkules ng gabi.

Bagamat mabigat sa kanyang kalooban, dinal­a ni team manager Buddy Encarnado sina Realtors Kelly Williams at Ryan Re­yes kasama si Charles Waters sa kampo ng Tro­pang Texters mula sa isang nine-player, three-team trade sangkot ang Barako Coffee.

Sina Williams, ang 20­08 PBA Most Valuable Pla­yer awardee, at si Re­yes ay ipapahiram ng Talk ‘N Text sa Smart Gilas Pilipinas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ni Manny V. Pangilinan.

“I’m hoping that they will continue their best under a new franchise, kno­wing fully well that I’m privilege to have a hand involving these fine gentlemen,” ani Encarnado sa naturang trade na naisara kamakalawa ng gabi.

Sa pagpapakawala kina Williams at Reyes, nakuha ng Sta. Lucia mula sa Talk ‘N Text sina Ali Peek, Nic Belasco at Pong Escobal kasama sina Ogie Menor at Yousif Aljamal buhat sa Barako Cofee.

Ibinigay ng Tropang Texters sa Coffee Masters ang kanilang 2010 se­cond round pick para kay Menor, habang si Aljamal ay nasambot ng Realtors para kay Waters, bayaw ni Williams, na ibinigay ng Barako Coffee sa Talk ‘N Text para kay Mark Isip.

Samantala, tangka naman ng Tropang Texters ang kanilang ikawalong panalo sa pakikipaglaban sa Coca-Cola Tigers sa alas-5 ng hapon, bago su­­sunod ang bakbakang Rain Or Shine at Alaska Aces sa alas-7:30 ng gabi sa PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Kaugnay nito, tuluyan nang inalis ni PBA Comissioner Sonny Barrios ang one-season ban kay Air21 Wynne Arboleda.

“We also take note of your repeated expression of contriteness over the incident and the use of time under suspension in a positive and proactive manner instead of simply being ‘unproductive’ du­ring your suspension,” ani Barrios sa kanyang sulat kay Arboleda, napatawan ng one-season ban without pay matapos upakan ang isang fan ng Smart Gilas sa laban nito sa Air21 sa nakaraang 2009-2010 PBA Philippine Cup noong Oktubre.

Show comments