^

PSN Palaro

Vucicevic gagawing kandidato sa naturalization kung...

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Ikokonsidera si Serbian im­port Milan Vucicevic bilang kandidato sa naturalization kung ma­ganda ang ipakikita nito sa paglahok bilang import ng Smart Gilas Pilipinas sa 21st FIBA-Asia Champions Cup sa Doha Qatar.

Ang 6’10 na si Vucicevic ay nasa bansa na at nakikipagsa­nay na sa Pambansang kopo­nan nahawak ni Serbian coach Raj­ko Toroman at makikilatis ang kanyang husay sa paggiya sa koponan sa respetadong pag­tatapos sa torneong pinahi­hintulutan ang mga kasali na maglaro taglay ang dalawang im­ports.

“He has to learn the system first. And of course, he and the team must blend well and we’ll know this in the Champions Cup,” wika ni Toroman.

Si Vucicevic ay beterano na matapos makapaglaro sa mga liga sa Cyprus, Oman, Poland at Greece.

Nauna nang nakakuha ng mga kandidato ang koponan pero naudlot ito nang umalis din ang mga napusuang American imports na sina CJ Giles at Ja­mal Sampson.

May mga pangalang binanggit uli bilang kandidato pero hindi rin natuloy ito nang nagdesisyon ang mga ikinonsidera na maglaro na lamang sa ibang ban­sa.

Puspusan ang paghahanap ng Gilas sa tamang import upang ma-naturalize para mapalakas ang hangaring makalabalik sa Olympics sa 2012 sa London.

Dapat na makakuha na ng tamang import ang koponan dahil ang qualifying event para sa London Olympics ay gagawin sa susunod na taon gamit ang FIBA-Asia Men’s Championships.

Ang Champions Cup ay ga­gawin mula Mayo 22 hanggang 30 at ang mga malalakas na koponan dito ay ang Iran, Jordan at Lebanon.

ANG CHAMPIONS CUP

ASIA CHAMPIONS CUP

ASIA MEN

CHAMPIONS CUP

DOHA QATAR

LONDON OLYMPICS

MILAN VUCICEVIC

SHY

SI VUCICEVIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with