Barako Coffee naisahan ng Ginebra
MANILA, Philippines - Sa huling 2:01 ng fourth quarter, inaasam na ng mga Coffee Masters ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Ngunit iba naman ang nasa isip ng Gin Kings, lalo na sina Eric Menk, Celino Cruz at Willie Miller.
Mula sa isang nine-point deficit sa huling 2:01 ng laro, nagtuwang sina Menk, Cruz at Miller upang tulungan ang Barangay Ginebra sa pagtakas ng dramatikong 93-90 tagumpay laban sa palabang Barako Coffee sa classification phase ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.
Nagtala si Menk ng bagong conference-high 20 puntos sa ilalim ng 27 marka ni import Mildon Ambres para sa 5-4 rekord ng Ginebra habang nalaglag naman ang Barako Coffee sa 2-7 kartada.
Matapos kunin ng Ginebra ang isang 13-point lead, 20-7, sa 3:59 ng first period, inagaw naman ng Barako Coffee ang unahan sa 33-32 sa 4:36 ng second quarter hanggang makatabla sa 74-74 sa 7:20 ng final canto buhat sa isang three-point play ni Leo Najorda kay Menk.
Huling lumayo ang Barako sa 90-81, sa huling 2:01 ng laban bago naidikit ng Gin Kings ang iskor sa 89-90 agwat sa natitirang 49.3 segundo ng laro.
Ginebra 93 - Ambres 27, Menk 20, Hatfield 10, Miller 9, Helterbrand 9, Wilson 7, Caguioa 6, Cruz 3, Villanueva 2, Tubid 0.
Barako 90 - Monroe 27, Juntilla 23, Najorda 16, Gaco 8, Dimaunahan 7, Alonzo 4, Vergara 3, Reyes 2. Quarterscores: 24-20, 45-38, 70-63, 93-90.
- Latest
- Trending