PBA wala munang gagawing aksyon kay Williams

MANILA, Philippines - Hanggat walang nangyayaring trade sa pagitan ng Sta. Lucia at Talk ‘N Text kung saan ipapasa ng huli si Kelly Williams sa Smart Gilas Pilipinas ay walang aksyong gagawin ang PBA Commissioner’s Office.

Ito ang inihayag kahapon ni PBA Commissioner Sonny Barrios sa lingguhang PSA sports forum sa Shakeys sa U.N. Avenue, Manila.

“Frankly, what I intend to do if it comes, I will request the chairman (Lito Alvarez ng Air21) to call a special board meeting rather than for the Commissioner alone to rule on the request,” pahayag pa ni Barrios.

Show comments