Sinorpresa si Morris, 11-7: Corteza us 10-ball champion
MANILA, Philippines - Pinasargo ni Filipino Lee Vann ‘The Slayer’ Corteza ang American na si Rodney ‘Rocket’ Morris upang ibulsa ang top prize ng 1st Annual Hard Times-Mezz Cues 10-Ball Open sa Hard Times Billiards sa Bellflower, Los Angeles California, USA, nitong Lunes.
Sinibak ng tubong Da-vao City na si Corteza si Morris, 11-7 sa finals at makuha ang top prize na $4,000 tungo sa kanyang kauna-unahang major title ngayong taon.
“Nagpapasalamat ako sa mga nagdasal na mga kababayan ko po para manalo sa event na ito. Kay Boss Jo (Jonathan Sy) na matagal ng tumutulong sa local at international event ko,” ani Corteza, na nabigo kay Mika ‘The Iceman’ Immonen ng Finland sa WPA World Ten-Ball tiara sa Manila noong nakaraang Nobyembre.
Bago nakarating sa race-to-11, winner’s break final, ginapi muna ni Corteza, ang reigning national open champion ang isa pang American hopeful na si Max ‘Mad’ Eberle, 9-7.
Matapos makuha ang bye sa first round, tinalo ni Corteza sina Steve Chaplin, (9-0), Ismael Paez (9-1), Stevie Moore , (9-1), at Corey Harper, (9-1).
Natalo siya kay Morris, (9-8), sa sixth round ng winner’s side bracket.
Subalit nangibabaw si Corteza sa loser’s side kina Kiamco, ( 9-7), Oscar Dominguez, (9-5), at Max Eberle, (9 -7), para makapuwersa ng titular rematch showdown kay Morris.
Ang Filipino pool sharks ay naka schedule maglaro sa 2010 Party Poker World Pool Masters sa Mayo 12 hanggang 16 at inaugural United States Open 10-Ball Championships sa Mayo 17 hanggang 22, parehong gaganapin sa Riviera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada, United Sates.
Ang iba pang Filipinos na lumahok sa 1st Annual Hard Times-Mezz Cues 10-Ball Open ay sina hall of famer Efren “Bata” Reyes, 2007 World Pool finalist Roberto “Pinoy Superman” Gomez, Japan Champion Warren “Warrior” Kiamco, veteran campaigner Ramon “Maestro Monching ”Mistica, LA sports columnist Ambrosio “Jun” Almoite, George Pagulayan at Jaynard Orque.
- Latest
- Trending