^

PSN Palaro

Rain or Shine nailusot ni Lewis sa OT

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Hindi inasahan ng Air21 na maisasalpak ng bigating import na si Jai Lewis ang isang buzzer-beating three-point shot sa regulation period.

At hindi rin inakala ni coach Yeng Guiao na ang 260-pounder na si Lewis ang gigiya sa Rain or Shine sa 106-102 overtime win sa classification phase ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.

“Tsamba lang. I think the three-point shot of Jai was the big one,” sambit ni coach Caloy Garcia kay Lewis, humugot ng 8 puntos sa fourth quarter at anim sa extension period.

Kasabay ng pagpigil sa kanilang two-game losing skid, iniangat ng Elasto Painters sa 4-4 ang kanilang baraha sa ilalim ng nagdedepensang San Miguel Beermen (8-1), Talk ‘N Text Tropang Tex­ters (6-2), Ginebra Gin Kings (4-3), Derby Ace Llamados (4-3) at Alaska Aces (4-3) kasunod ang Coca-Cola Tigers (4-5), Sta. Lucia Realtors (3-5), Barako Coffee Masters (2-6) at Express (1-8), nasa sa isang seven-game lo­sing slump ngayon.

Bumangon ang Rain or Shine mula sa isang 10-point deficit sa first period upang agawin ang unahan sa 56-52 sa 5:20 ng third quarter patungo sa pagdadala ni Lewis sa laro nila ng Air21 sa five-minute extra period, 90-90, mula sa kanyang tres sa pagtunog ng buzzer.

Matapos kunin ng Elas­to Painters ang 98-90 bentahe sa 2:31 ng overtime, nagsanib naman ng puwersa sina Ronjay Bu­enafe at Mike Cortez para idikit ang Express sa 102-103 sa huling 24.4 se­gundo.

Samantala, muling ku­kunin ng Coke ang ser­bisyo ni Rashad Bell ka­sabay ng pagpapauwi kay James Penny.

“We need to win five or our last nine games for us to make it to the outright quarterfinals stage,” ani mentor Bo Perasol. “That’s our target right now.”

Huling naglaro si Bell, da­ting Celtics guard, sa Talk ‘N Text.  

Rain or Shine 106 - Mercado 28, Lewis 26, Reyes 19, Norwood 15, Tang 8, Hrabak 5, Arana 3, Ibanes 2, Cruz 0, Chan 0, Telan 0.

Air 21 102 - Buenafe 30, Larry 20, Cortez 18, Matias 9, Sharma 6, Williams 5, Belga 4, Ritualo 4, Alvarez 3, Billones 3, Rodriguez 0, Gonzales 0, Yee 0.

Quarters: 18-24, 37-41, 67-63, 90-90, 106-102 (OT).

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BARAKO COFFEE MASTERS

BO PERASOL

CALOY GARCIA

COCA-COLA TIGERS

DERBY ACE LLAMADOS

ELASTO PAINTERS

FIESTA CONFERENCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with