Nangangamoy sweep sa Suns vs Spurs
SAN ANTONIO--Masaya na ang Phoenix Suns na talunin ang San Antonio Spurs sa playoffs.
At ito ay maaari nilang gawin sa pamamagitan ng isang sweep.
Tinalo ng Suns ang Spurs, 110-96, sa Game 3 upang kunin ang malaking 3-0 abante sa kanilang NBA Western Conference semifinals.
“I think it’s safe to say that may have been the best fourth-quarter performance I have ever seen in a playoff game,” wika ni Suns forward Grant Hill.
Hindi ang Phoenix ang sinasabi ni Hill kundi ang backup pointguard na si Goran Dragic, na humugot ng 23 sa kanyang 26 points sa fourth quarter.
Tumipa si Dragic ng 9-of-11 fieldgoals sa final canto, tampok rito ang apat na 3-point shots.
Sa Boston, kinuha naman ng Cleveland Cavaliers ang 2-1 lamang sa kanilang semis series ng Boston Celtics nang sikwatin ang 124-95 tagumpay sa Game 3 ng Eastern Conference.
Kumolekta si LeBron James ng 21 sa kanyang 38 points sa first period para agad na rendahan ang Cavaliers kontra Celtics.
Nagdagdag naman si Antawn Jamison ng 20 puntos at 12 rebounds para sa Cleveland, habang naglista rin si Shaquille O’Neal ng 12 puntos at siyam na rebounds.
Gumawa naman si Rajon Rondo, nagposte ng 19 assists sa panalo ng Boston sa Game 2 nitong Lunes, ng 18 puntos at walong assists.
Nagmintis ang unang 10 mula sa 13 tira ng Celtics, kung saan nagposte lang sila n?g 27 percent sa first quarter na naging tulay upang ilarga ng Cavaliers ang kanilang 21-point lead.
Hindi na nagawa pang makabangon ng Celtics matapos na dominahin ng Cavaliers sa pag-asinta ng 59 percent mula sa field sa nasabing laro.
- Latest
- Trending