MANILA, Philippines - May nakahanda nang plano si Joy Belmonte sakaling mailuklok bilang bagong Vice Mayor ng Quezon City bukas.
Maliban sa pagpapaganda ng health services sa lungsod, sinabi ni Belmonte, anak ni outgoing Mayor Feliciano (SB) Belmonte, na itutulak rin niya ang pagkakaroon ng sports program.
“We will push for sports for all in QC to develop a healthy and alert citizenry,” sabi ni Ms. Belmonte.
Nakasaad sa Section 19, Article XIV ng 1987 Constitution na “the State shall provide physical education and encourage sports programs, league competitions and amateur sports, including training for international competition, to foster self-discipline, teamwork, and excellence for the development of healthy and alert citizenry.”
Sinabi pa ng Vice-Mayoralty candidate na ang lahat ng eskuwelahan ay dapat magsagawa ng regular na sports activities sa pakikipagtulungan sa athletic clubs at iba pang sektor.
Nakahanda na rin ang pagsasaayos at pagpapaganda sa mga tertiary hospitals at pagtatayo ng mga medical centers at regular na medical at dental missions.
Habang mayroon nang mga ospital ang QC, sinabi pa ni Ms. Belmonte na mahalaga ring paunlarin ang mga parks at playgrounds para sa pisikal na aktibidad ng mga residente.
Gusto rin ni Ms. Belmonte na magkaroon ng pagsasanay ang mga batang atleta sa QC na maaaring maging kinatawan ng lungsod sa mga local at international competitions.
“We in Quezon City and elsewhere, should develop our mental and physical attributes to become “citizen sportsmen”, ani Ms. Belmonte sa pahayag ng isang dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).