Bryant, Gasol nagtulong upang ibigay sa Lakers ang Game Two

LOS ANGELES-- Umis­kor si Kobe Bryant ng 30 points, habang nag­dagdag naman si Pau Ga­sol ng 22 points at 15 re­bounds para tulungan ang nagdedepensang Los Angeles Lakers sa 111-103 paggiba sa Utah Jazz sa Game 2 ng kanilang semifinals series.

Humakot si Andrew By­num ng 17 points at 14 rebounds para sa 2-0 abante ng Lakers sa kani­lang best-of-seven series ng Jazz.

Ginamit ng Los Ange­les ang kanilang laki at lakas matapos tumipa ng 64 points sa shaded lane at kunin ang 58-40 bentahe sa rebounding bukod pa ang pagtatala ng 13 blocked shots.

May 40-1 win-loss record ang Lakers sa tuwing makukuha ang 2-0 lamang sa isang serye.

Nakatakda ang Game 3 sa Sabado sa Salt Lake City.

Kumabig naman si Paul Millsap ng 26 points at 11 rebounds para sa Utah kasunod ang 20 points ni C.J. Miles.

Sa Orlando, inilista ng host team ang isa sa pinakamalaking panalo sa kasaysayan ng kanilang playoff series matapos na dominahin ang Atlanta sa opening ng kanilang series sa pamamagitan ng 114-71 panalo.

Tanging ang 47-point win sa first round laban sa Boston noong 1995 ang siya nilang pinakamalaking margin victory sa playoff game para sa Orlando.

Nagtala si Dwight Ho­ward ng 21 puntos at 12 rebounds, bukod pa ang limang blocks.

Show comments