^

PSN Palaro

Sweep wawalisin ng Lyceum vs USLS

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Makuha ang magandang puwesto papasok sa cross over semifinals ang nasa isip ngayon ng Lyceum sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 7 quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan.

Kaharap ng Lady Pirates ang talsik ng University of St. La Salle sa unang laro ganap na ika-2 ng hapon.

May 2-0 karta na ang Lyceum upang makatiyak ng puwesto sa semifinals ngunit ang makukuhang 3-0 karta ay magreresulta upang maselyuhan nito ang number one puwesto sa Group I at maikasa ang pagkikita laban sa number 2 team sa Group II sa semifinals.

“Mas maganda kung mag-number one kami dahil magkakaroon din ng mas mataas na kumpiyansa ang mga players ko. Kaya gagawin namin ang lahat para manalo,” wika ni Lyceum coach Emil Lontoc na huling nakaabante sa semifinals dalawang taon na ang nakalipas.

Ang pangalawang laro sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT MyDSL at suportado ng Shakey’s Pizza ay sa pagitan ng Southwestern University at College of St. Benilde.

Wala ng halaga ang resulta sa labanang ito ng dalawang walang panalo pang koponan dahil selyado na ng Ateneo at Adamson ang puwesto sa semifinal sa group II.

Matapos ang larong ito ay magpapahinga ang liga na suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond upang magbigay daan sa gagawing pambansang halalan sa Mayo 10.

Babalik ang aksyon sa Mayo 13 sa pagkikita ng UST at Ateneo para ma­determina kung sino sa dalawa ang hihiranging number one sa Group II at ang pagkikita ng San Sebastian at Adamson para madetermina ang ikalawang semifinalist sa Group I.

ADAMSON

ATENEO

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMIL LONTOC

GROUP I

LADY PIRATES

MIGHTY BOND

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with