Catiil nagbitiw sa RP team; Fil-Canadian tinatarget
MANILA, Philippines - Hangaring masukat ang sarili sa mas mapanghamong distansya ang nagtulak kay Niel Catiil upang umalis na sa national triathlon team.
Nabigla man ay wala namang ibang magawa ang Triathlon Association of the Philippines (TRAP) kundi ang tanggapin ang desisyon ng tubong Cagayan de Oro na pambato ng bansa sa triathlon maliban din sa duathlon.
“Nagbitiw si Niel sa national team dahil mas gusto niyang mag-concentrate sa mahahabang distansya na Ironman. Dismayado kami pero wala tayong magagawa kundi ang tanggapin ang kanyang desisyon,” wika ni TRAP president Tom Carrasco Jr.
Si Catiil ang tinitingnan ng TRAP na siyang posibleng maghatid ng medalya sa endurance sport sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China .
Mataas ang ekspektasyon kay Catiil dahil sa magandang ipinakita noong 2009 na kinatampukan ng panalo sa OSIM Singapore Triathlon Championships. Pumanglima rin si Catiil sa nakaraang taong Subic International Triathlon Championship at kinatampukan ang malakas niyang paglalaro sa pagsusumite ng pinakamabilis na bike split sa kompetisyong kinatampukan ng mga bigating dayuhan sa pangunguna ng Japan at Hong Kong .
Bago nagbitiw, si Catiil ay ipinadala muna ito sa Thailand para ipagpatuloy ang pagsasanay sa Team TBB sa ilalim ng pamamahala ni Australia high performance coach Brett Sutton.
May mga iba pang triathletes na maaaring ipalit ngunit hindi pa hinog ang mga ito para sa Asian Games kaya’t minamadali ng TRAP ang pagkuha sa serbisyo ni Canadian Matt O’Halloran para maging kinatawan sa kalalakihan.
Si O’Halloran ay naninirahan na sa bansa mahigit ng dalawang taon at nagpasabi na rin siyang nais niyang katawanin ang Pilipinas sa malakihang torneo.
“Base sa batas ng ITU, kailangan lamang ng isang dayuhan na nagnanais na maglaro sa isang bansa na makuha ang release papers sa kanyang dating federation at ito’y dapat nakatira sa bansang nais niyang katawanin ng hindi bababa sa loob ng dalawang taon. Hopefully ay makahabol siya para sa Asian Games,” dalangin pa ng TRAP president.
Si Lea Coline Langit naman ang inaasahang kakampanya para sa bansa sa kababaihan sa Guangzhou.
Ang mananalong koponan ay tatabla sa pangalawang puwesto na kasalukuyang tangan ng San Sebastian sa 1-1 matapos matalo ito sa Lyceum kamakalawa.
Sina Nene Bautista, Angela Benting, Pau Soriano at Lizlee Ann Gata ang kakamada sa Lady Falcons na kampeon ng 2008 first conference laban sa husay nina Michelle Laborte, Princess Pido, Kaye Aplasca at dating national junior player Patty Orendain.
- Latest
- Trending