^

PSN Palaro

Pagkakataon humulagpos kay Barriga

-

MANILA, Philippines - Kinapos si Mark Anthony Barriga sa puntir­yang puwesto sa 1st Youth Olympic Games nang maungusan siya ni Ryan Burnett ng Ireland sa quarterfinals ng 16th World Youth Amateur Bo­xing Championships na ginaganap sa Baku, Azerbaijan nitong Biyernes.

Natawagan ng kuwes­tiyonableng head butt ni referee Zoubid Hassan ng Morocco dahilan upang ma­bigyan ng apat na pun­tos si Brunett upang ma­kaahon buhat sa 2-3 paghahabol at matapos ang sagupaan panalo sa 6-4 iskor.

Bago ito ay nanalo ng tatlong sunod si Barriga ng Panabo, Davao del Norte laban kina Zhang Liang ng China, Tanes Ongjunta ng Thailand at Nikita Fedorchenko ng Russia upang mamuro sa puwesto sa Youth Olympic Games sa Agosto sa Singapore.

Mabibigyan ng puwes­to ang mga boksingerong uusad sa semifinals pero sadyang di pa ukol para sa 17-anyos na isa ring Palarong Pambansa standout na makausad.

Aasa na lamang si Bar­riga at ang Amateur Boxing Association of the Philippines sa ibibigay na wild card berths ng International Olympic Committee. 

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

MARK ANTHONY BARRIGA

NIKITA FEDORCHENKO

PALARONG PAMBANSA

RYAN BURNETT

SHY

TANES ONGJUNTA

WORLD YOUTH AMATEUR BO

YOUTH OLYMPIC GAMES

ZHANG LIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with