Suns, Spurs itinakda ang kanilang sagupaan
PORTLAND, Ore - Matindi ang kagustuhan ni Jason Richardson na maging wild card ang Phoenix Suns sa NBA playoffs.
Habang nakatutok ang Portland Trail Blazers kina Amare Stoudemire at Steve Nash, umiskor naman si Richardson ng 28 puntos para tulungan ang Suns sa 99-90 panalo sa Game 6 at tapusin ang kanilang first-round playoffs series sa 4-2.
Ang tagumpay ang nagdala sa third-seeded Suns sa second round laban sa seventh-seeded San Antonio Spurs, tinalo ang Dallas Mavericks, 97-87.
Nakatakda ang NBA Western Conference semifinals sa Phoenix sa Lunes.
Umiskor si Richardson ng 29 marka sa 119-90 panalo ng Suns sa Game 2 bago tumipa ng career playoff-high 42 sa 108-89 pananaig sa Portland sa Game 3.
Huling umabante ang Suns sa second round noong 2007 nang malagpasan nila ang Los Angeles Lakers bago yumukod sa Spurs.
Kinuha ng Suns ang 53-41 lamang sa halftime patungo sa pagtatayo ng isang 16-point lead hanggang makatabla ang Trail Blazers sa 76-76 sa gitna ng fourth quarter.
Kumabig si Martell Webster ng 19 puntos para pangunahan ang Portland, nabigong makaabante sa second round sa ikalawang sunod na taon.
Pinangunahan naman Manu Ginobili ang San Antonio sa kanyang tinapos na 22-puntos at tapusin ang serye sa 4-2.
- Latest
- Trending