MANILA, Philippines - Tinanghal sina Jose Luis “Cely” at Anthony Villanueva bilang kauna-unahang mag-amang nag-uwi ng medalya para sa bansa mula sa Olympic Games.
Sumuntok si Cely ng bronze medal sa 1932 Los Angeles Olympics, samantalang silver medal naman ang inangkin ni Anthoy sa 1964 Tokyo Games na sapat na upang iluklok sila sa Philippine Sports Hall of Fame na nakatakda sa Mayo 5 sa Maynilad Hall ng Manila Hotel.
Kasama rin sa grupo sina Gabriel “Flash” Elorde, Francisco “Pancho Villa” Guilledo, Ceferino Garcia, track at field stalwarts Miguel White at Simeon Toribio, swimmer Teofilo Yldefonso, cager Carlos Loyzaga at ang Philippine Team na kumuha ng bronze medal sa 1954 World Basketball Championships.
Lima naman sa siyam na Olympic medals ng bansa ay nanggaling sa amateur boxing, kasama na ang dalawang silver medals nina Anthony at Mansueto “Onyok” Velasco sa 1996 Atlanta Games.