MANILA, Philippines - Noong 1932, tatlong bronze medals ang naiuwi ng mga Filipino athletes mula sa Olympic Games sa Los Angeles, USA .
At matapos nito, tuluyan nang nahirapan ang bansa na makakuha ng medalya sa Olympic Games.
Ang nasabing tatlong Filipino medalists ay sina swimmer Teofilo Yldefonso, track and field athlete Simeon Toribio at bantamweight boxer Jose “Cely” Villanueva na iluluklok sa Philippine Sports Hall of Fame.
Pararangalan rin sa naturang seremonya sa Maynilad Hall ng Manila Hotel sina Gabriel “Flash” Elorde, Ceferino Garcia, Francisco “Pancho Villa” Guilledo, ang anak ni Villanueva na si Anthony, Caloy Loyzaga at ang Philippine basketball team na pumangatlo sa 1954 World Championship sa Rio de Janeiro.
Ang tubong Piddig, Ilocos Norte na si Yldefonso, tinaguriang “Ilocano Shark,” ay pumangatlo sa men’s 200-meter breaststroke para sa kanyang ikalawang Olympic medal.
Bilang isang 25-anyos, muling kinuha ni Yldefonso ang bronze medal sa 400m breaststroke sa Amsterdam Olympic Games.
Si Yldefonso ang tanging two-time Olympic medalist sa Philippine sports history.
Halos muntik namang hindi makuha ni Toribio ang bronze medal sa Amsterdam na mabigong malundagan ang six feet, six inches sa high jump. Ayon sa author na si Jorge Afable, nakaapekto sa Zamboanga native ang naramdamang ‘call of nature” sa kasagsagan ng nasabing four-hour event.
Si Toribio, naging Congressman ng Bohol, ay kinilalang “Asia’s Greatest Athlete” ng Helms World Trophy noong 1930.
Noong 1936 itinakbo naman ni White ang tansong medalya sa 400m hurdles sa likod nina dating world record holder Glenn Hardin ng US at John Loaring ng Canada.