^

PSN Palaro

3 pang Olympic medalists pararangalan

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Noong 1932, tatlong bronze medals ang naiuwi ng mga Filipino athletes mu­la sa Olympic Games sa Los Angeles, USA .

At matapos nito, tuluyan nang nahirapan ang bansa na makakuha ng medalya sa Olympic Games.

Ang nasabing tatlong Filipino medalists ay sina swimmer Teofilo Yldefonso, track and field athlete Simeon Toribio at bantamweight boxer Jose “Cely” Villanueva na iluluklok sa Phi­lippine Sports Hall of Fame.

Pararangalan rin sa naturang seremonya sa Maynilad Hall ng Manila Hotel sina Gabriel “Flash” Elorde, Ceferino Garcia, Francisco “Pancho Villa” Guilledo, ang anak ni Villanueva na si Anthony, Caloy Loyzaga at ang Philippine basketball team na pumangatlo sa 1954 World Championship sa Rio de Janeiro.

Ang tubong Piddig, Ilocos Norte na si Yldefonso, tinaguriang “Ilocano Shark,” ay pumangatlo sa men’s 200-meter breaststroke par­a sa kanyang ikalawang Olympic medal.

Bilang isang 25-anyos, muling kinuha ni Yldefonso ang bronze medal sa 400m breaststroke sa Amsterdam Olympic Games.

Si Yldefonso ang ta­nging two-time Olympic me­dalist sa Philippine sports history.

Halos muntik namang hindi makuha ni Toribio ang bronze medal sa Ams­ter­dam na mabigong ma­lun­dagan ang six feet, six inches sa high jump. Ayon sa author na si Jorge Afable, nakaapekto sa Zamboanga native ang naramdamang ‘call of nature” sa kasagsagan ng nasabing four-hour event.

Si Toribio, naging Congressman ng Bohol, ay kinilalang “Asia’s Greatest Athlete” ng Helms World Trophy noong 1930.

Noong 1936 itinakbo na­man ni White ang tansong medalya sa 400m hurdles sa likod nina dating world record holder Glenn Hardin ng US at John Loa­ring ng Canada.

AMSTERDAM OLYMPIC GAMES

CALOY LOYZAGA

CEFERINO GARCIA

GLENN HARDIN

GREATEST ATHLETE

HELMS WORLD TROPHY

ILOCANO SHARK

ILOCOS NORTE

OLYMPIC GAMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with