^

PSN Palaro

RP chessers isinalba ni Antonio

-

SUBIC, Philippines - Habang natikman ni GM Wesley So ang kanyang unang kabiguan, iwinawagayway naman ni GM Rogelio Antonio, Jr. ang Philippine flag.

Tinalo ni Antonio si Pouria Darini ng Iran para sa kanyang 4.5 points at buhayin ang kanyang tsansa sa naturang nine-round tour­nament na inorganisa ng National Chess Fe­deration of the Philippines (NCFP).

Pinasuko ng Philippine Army mainstay na si Anto­nio ang Iranian player matapos ang 33 moves ng Sicilian Alapin.

“I still have a good chan­ce of making it with two more rounds left,” wika ng tu­bong Calapan, Oriental Mindoro, tumabla sa third place sa 2009 qualifying event para sa 2011 World Cup.

Natalo naman si So, na­bigong makatulak ng draw, kay GM Ni Hua ng China sa 74 moves ng Slav.

Pinayukod naman ni GM Li Chao ng China si GM Yu Yangyi, habang ti­nalo ni GM Abhijeet Gup­ta ng India si GM Gopal Narayanan Geetha at gi­nitla ni GM Ling Direng ng China si Bayarsaikhan Gund­avaa ng Mongolia para makasalo si Li sa li­derato sa magkatulad nilang 5.5 points.

Bumagsak si So, see­ded fourth mula sa kanyang ELO rating na 2665, sa pagkakatabla sa fifth hanggang eight places sa bitbit niyang 5.0 points patungo sa huling dalawang rounds.

Nabigo rin si GM John Paul Gomez kay GM Zhou Jianchao ng China.

Nasa itaas ng 4.0 points ni Gomez ang mga may 4.5 points na sina GM Pen­tala Harikirshna, top seed GM Le Quang Liem ng Vietnam at GM Ehsan Ghaem­maghami ng Iran.

ABHIJEET GUP

BAYARSAIKHAN GUND

EHSAN GHAEM

GOPAL NARAYANAN GEETHA

JOHN PAUL GOMEZ

LE QUANG LIEM

LI CHAO

LING DIRENG

NATIONAL CHESS FE

NI HUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with