PBL-La Liga Pilipinas merger pirmado na
MANILA, Philippines - Hindi na napigilan ang ‘merger’ sa pagitan ng Philippine Basketball League (PBL) at ng La Liga Pilipinas.
Kahapon, pormal na nilagdaan nina PBL chairman Abundio “Ding” Camua ng Pascual Laboratories, Robert Non ng San Miguel Corporation at Pinoy Basketball, Inc.’s (Liga) CEO Jose Emmanuel “Noli Eala” ang isang Memorandum of Agreement (MOA).
Ang paglagda sa MOA, sinaksihan nina PBA chairman Angelito Alvarez at SBP Deputy Executive Director Bernardo Atienza, ay para sa kanilang pagdaraos ng isang joint tournament sa Hunyo 5.
Bago ito, ilang buwan munang pinag-usapan at pinagplanuhan ang ‘merger’ sa pagitan ng PBL at Liga Pilipinas na magbubuo sa isang ‘developmental league’ na siyang paghuhugutan ng mga darating na PBA players.
Kumpiyansa naman sina Camua at Eala na magkakatulungan ang PBL at ang Liga Pilipinas para sa kanilang ilalatag na long-term plans.
Kabuuang 12 koponan mula sa naturang dalawang liga ang siyang itatampok sa kanilang unang torneo.
Para sa matagumpay nitong pagpapatupad, binuo ang isang Executive Committee na kinabibilangan nina Alvarez, Camua, Joaquin “Chito” Loyzaga (SMC) at Virgilio Angeles (Toyota Otis) para sa PBL at sina Eala, Gov. Oscar Moreno (MisOr) at Joe Soberano (Mandaue) para sa Liga Pilipnas.
- Latest
- Trending