ROME - Naging malamya ang panimula ni Roger Federer sa clay-court season at matalo kay Ernests Gulbis ng Latvia, 2-6, 6-1, 7-5 sa kanyang opening match sa Rome Masters nitong Martes.
“My game was definitely not up to speed,” ani Federer. “My serve was not working at all.”
Ito ang unang singles match ni Federer sa buwang ito, ang world’s top-ranked player na nagpahinga ng ilang linggo matapos na mabigo sa fourth round ng Sony Ericsson Open sa Key Biscayne nitong Marso.
Plano ni Federer na gamitin ang nasabing tournament bilang warm up sa pagdedepensa ng kanyang korona sa French Open at dalawang tournament pa ang kanyang lalaruin--sa Estoril at Madrid--bago magbalik sa Paris.
Inilabas ng 40th-ranked na si Gulbis ang lahat ng kanyang lakas bago niya naselyuhan ang kanyang panalo sa second round mula sa kanyang pitong match point.
Samantala, naihakbang naman ni Novak Djokovic ang kanyang kampanya sa ikatlong sunod na finals appearance sa Rome matapos na iligwak ang French rival na si Jeremy Chardy, 6-1, 6-1 at tinalo naman ng No. 4 na si Andy Murray ang top Italian na si Andreas Seppi, 6-2, 6-4.
Nauna rito, ginapi rin ni Lleyton Hewitt ang ninth-seeded na si Mikhail Youzhny, 6-4, 4-6, 6-3.