SBP binigyan ng deadline para makasali ang women's team sa Asiad

MANILA, Philippines - Bunga ng pagkakalipat ng petsa ng South East Asia Basketball Association (SEABA) women’s championship sa Oktubre, kaila­ngan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magsumite ng isang tentative team lineup sa Philippine Olympic Committee (POC) sa Agosto para makasali sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Ang nasabing buwan ang deadline na itinakda ng mga nag-oorganisa ng Guangzhou Asiad para sa pagsusumite ng pangalan ng mga atleta.

“Kung maging maganda ang performance nila, we’ll require the Philippine Olympic Committee (POC) to send them to the Asiad. That’s the pre-condition we had,” ani SBP executive director Noli Eala kahapon sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa UN Avenue, Manila.

Orihinal na itinakda ang SEA­BA women’s championships sa Hunyo sa Maynila ngunit inilipat sa Oktubre dahilan sa pagdaraos ng FIBA-Asia Congress.

Upang makalahok sa 2010 Asian Games sa Nobyembre, kailangan ng mga Filipina ca­gers na magreyna sa SEABA tournament, ani Eala.

Show comments