^

PSN Palaro

Gomez nakipag-draw kay sasikiran

-

SUBIC, Philippines - Napanatili ni Filipino GM John Paul Gomez ang kanyang tsansa para sa isa sa limang silya sa 2011 World Chess Cup nang maka-draw si GM Krishnan Sasikiran ng India sa pagpapatuloy ng 9th Asian Individual Chess Championships sa Subic Exhibition and Convention Center.

Patuloy na humahabol si Gomez kay solo leader GM Wesley So kasabay ng pagpapalakas sa kanyang pag-asa para sa 2011 World Chess Cup sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Nakipag-draw naman si So, hangad ang kanyang ikala­wang sunod na World Cup ap­p­ea­rance, kay GM Gopal Narayanan Geetha ng India.

Nakipagkasundo si So kay Geetha matapos ang moves ng Sicilian-Najdorf.

Kailangan lamang ng 16-anyos na si So, ang highest-rated player ng bansa mula sa kanyang ELO rating na 2665, ng dalawang panalo para pagha­rian ang torneo at angkinin ang premyong $6,000.

“I’ll just play my game and see what happens,” sabi ni So.

Samantala, tinalo naman ni IM Ronald Dableo si FM Timothy Chan ng Singapore, habang binigo ni IM Rolando Nolte si FM Soon Wei ng Brunei at pinayukod ni Jony Habla si WIM Rout Padmini ng India.

Natalo naman si World Cup veteran GM Darwin Laylo kay IM Nguyen Than Son ng Vietnam na tuluyan nang sumibak sa kanya para sa Top 5.

Ang iba pang nasa losers list ay sina Allan Macala, Haridas Pascua, Richard Bitoon, IM Oliver Dimakiling, Lyndon Lumangcas, Paulo James Florendo, Randy Segarra, Joseph Galindo at Luke Matthew de Leon.

ALLAN MACALA

ASIAN INDIVIDUAL CHESS CHAMPIONSHIPS

DARWIN LAYLO

GOPAL NARAYANAN GEETHA

HARIDAS PASCUA

JOHN PAUL GOMEZ

JONY HABLA

JOSEPH GALINDO

WORLD CHESS CUP

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with